Sunday, January 25, 2009

reminiscing

i got this from an outlook email at the office...this was way back and it was only last friday that i was able to retrieve it from my archieve folders... let's walk down memory lane...

********************************************************

**80's baby ka ba?**

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us...

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon. at aminin mong nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puti (minsan eh, yellow) panty nya--sa mga nagbibinatang malibog... hahaha... at pinagtatalunan ng mga becky at gelay kung sinong mas cute kila alexis (shaider) at robert (mask rider black)... at eto ang ultimate fact na adik ka sa shaider: alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant!!

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20, patintero, saksak puso, teleber-teleber at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. and speaking of Batibot, alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"? kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging? at inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... at napanood mo ba ung episode na nag-guest si jessica soho na ang payat nya pa? eh c regine na promding-promdi pa!! :))

11. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

12. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

13. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle. At ito'y aired pa sa RPN 9 every wednesday ng 11 pm...

14. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

15. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

16. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!) at meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin!!! ♪♪andrew ford medina.. guess what you know last night...♪♪ kinanta mo??? LOL

17. Hindi pa uso noon ang sapatos namay gulong noon, astig kapag umiilaw ang swelas ng sapatos tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores...kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porno as BOLD? at di pa uso noon ang PSP or Wii, malufet ka na kung mern kang atari, family computer or nes..alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start!

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.) at more on kikay stuffs: may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez? gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo... meron kang blouse na may padding (aka the Jun Encarnacion look). at sa mga mahilig kiligin, nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo at Patrasch (tama ba spelling?) Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga.. **i think 90's na eto?** cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

23. Mga eating at weird habits mo..kumakain ka ba ng aratilis.. bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum.. tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal. inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref? At nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting!! pinipilit ka matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog...pero syempre tatakas ka pag tulog na si ermats... at noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory kasi d mo pa kilala noon c Willy Wonka... hahaha!!!


24. AND SAVE THE BEST FOR LAST: marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk. nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala. meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo!! inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square!! eto PINAKAMALUPEEET... six digits lang ba ang phone number nyo dati--at may party line pa!!!

25. and to cap it all off...takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw na daw ang mundo!!

***********************************************************

just so fun remembering all of this...most of it brings back our happy childhood memories. some may bring tears due to remembering someone whom we shared the memories with... but for me, this is the best time of my life as these helped shaped what i have become and what i am now today...

inxs>> related posts from http://foofu.multiply.com/journal/item/17 and http://klitorika.blogspot.com/2008/10/80s-baby-ka-ba.html